Kumpiyansa ang National Task Force Against Covid 19 na maaabot nito ang target na 15 million individuals na mababakunahan sa tatlong araw na national vaccination campaign laban sa Covid-19.
Sinabi ni NTF Spokesperson Retired General Restituto Padilla na naniniwala silang malakas ang bayanihan spirit kayat tiyak na makakamit ang target na bilang.
Ipinabatid ni Padilla na positibo ang feedback mula sa health workers na makikiisa sa vaccination drive.
Palalakasin rin ng pribadong sektor ang kooperasyon sa kampanya sa pamamagitan nang pagbubukas ng kanilang pasilidad para rito.
Sinabi pa ni Padilla na dapat na hikayatin rin ng publiko ang mga hindi pa nababakunahang indibidwal upang tuluyan nang makarekober ang ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico