Handa ang National Task Force against COVID-19 o NTF sa pagsasailalim sa dalawang linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.
Sa laging handa briefing, sinabi ni NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon, kailangan maghanda sa anumang preventive measures para matuldukan ang pagkalat ng naturang variant.
Giit pa ni Dizon na kailangan balansehin ng gobyerno ang pagtugon sa pandemya dahil kalusugan ng publiko ang nakasalalay.
Hininmok din ni Dizon ang pamahalaan na tutukan ang pagpapalakas ng mg kapasidad sa mga ospital , pagdagdag ng mga bed capacity at kailangan na rin bilisan ang isinasagawang vaccination program sa bansa.
Magiging gabay din aniya ang ilalabas na desisyon ng Inter-Agency Task Force o IATF ang mga payo ng mga eksperto.