Pinatutukan ng National Task Force (NTF) COVID-19 Response sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pagpigil sa pagkalat ng sakit.
Ayon kay NTF COVID-19 Response Spokesperson Restituto Padilla, target nilang i-localize ang implementasyon ng national action plan para maibsan ang banta ng pagkalat ng sakit na nagdudulot ng krisis.
Ani Padilla, nais nilang tutukan ang National Capital Region bilang ito ang sentro ng karamihan ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Iginiit ni Padilla na hindi maaaring magkapakampante ngayon at sa mga susunod pang araw hanggat hindi nalilinis ang bansa sa banta ng COVID-19.