Hihingan ng senado ng kaukulang report ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) hinggil sa paggamit ng bilyon-bilyong pisong pondo nito.
Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng senate committee on finance, susulatan niya para hingan ng breakdown ng paggastos ang task force at ang Department of Budget and Management (DBM).
Giit ni Angara, na dapat laging responsable ang mga nangangasiwa sa task force sa paggamit ng pera ng taumbayan.
Higit 19 na bilyong piso ang budget ngayong taon ng task force.
Mababatid na sa impormasyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, mula March 24 hanggang April 29, nagbigay ang DBM sa NTF-ELCAC ng halos P10.70-B.