Inihirit ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang registration ng Kabataan Party-list dahil sa umano’y pagiging legal front-organization nito ng teroristang grupo.
Ayon kay Atty. Marlon Bosantog, NTF-ELCAC spokesperson for Legal Affairs and Indigenous Peoples Concerns, layon ng hakbang nila wakasan ang anila’y mapanlinlang na pangre-recruit ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pamamagitan ng nasabing party-list.
Ang paghahain ng petisyon laban sa Kabataan ay natapat sa 32nd anniversary ng Rano Massacre sa Digos, Davao del Sur kung saan nasa 39 miyembro ng Bagobo-Tagabawa tribe ang nasawi.
Wala pang pahayag ang Kabataan Party-list ukol sa naturang alegasyon.