Hinikayat ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor ang mga nais magpaturok ng COVID-19 booster shot sa mga pharmacies na kabilang sa ‘resbakuna sa botika’ program na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Aniya, ang mga LGU ang magbibigay ng iskedyul sa mga magpapabakuna.
Sinabi pa ni Mayor na ang kabutihan ng nasabing programa ay accessible ito sa publiko kung saan makapipili sila sa gusto nilang vaccination sites.
Matatandaang kalahok sa naturang programa ang Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Healthway Clinic, Mercury Drugstore, Watsons, Qualimed, at Southstar Drug. —sa panulat ni Airiam Sancho