Inihihirit ng National Task Force Against COVID-19 sa pamahalaan na isasailalim inspection ang mga hotel at iba pang leisure facilities na nagsisilbing quarantine sites ng mga returning overseas filipino sa bansa.
Kasunod ito ng “Breach of Quarantine Procedures” sa isang establisimyento sa Makati City.
Matatandaang isang babae ang galing sa ibang bansa na hindi sumunod sa mandatory quarantine sa isang hotel sa Makati kung saan, pinayagan ng naturang hotel na makalabas ito upang makipagkita sa mga kaibigan nito sa isang party at kalauna’y nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., magsasagawa ng regular na inspeksyon ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pagbabantay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para masiguro ang mahigpit na pagsunod ng hotels at iba pang establisimyento sa quarantine protocols. —sa panulat ni Angelica Doctolero