Sinisikap ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na maabot ang target na 77 milyong Pilipino nang mabakunahan hanggang sa katapusan ng Marso.
Ayon kay NTF Special Consultant Dr. Ted Herbosa na kabilang sa mga hinahanap nila para mabakunahan ay mga senior citizen na hindi pa nakatanggap ng booster shot.
Dagdag pa nito, marami ang hindi pa rin nakatanggap ng primary dose sa COVID-19 vaccine kaya pinapaigting nila ang vaccine rollout para mabigyan na ng proteksyon ang mga ito.
Nabatid na sa kasalukuyan aniya ay nasa 63.4 million pa lamang na mga pilipinong nababakunahan kaya marami pa ang dapat na gawin para maabot yung target hanggang sa katapusan ng buwan.
Samantala, kabilang sa mga ginagawang estratehiya ng NTF aniya ay pagbibigay ng booster sa mga botika at nakikipag-usap na sila sa Philippine Medical Association para mas mapalawig pa ang pamimigay ng COVID-19 vaccine. – sa panulat ni Mara Valle