Inatasan ng Malakanyang ang National Task Force Against COVID-19 Task Group on the Management of Returning Overseas Filipinos (NTF-MROF) na magsumite ng COVID-19 positive results sa Philippine Genome Center (PGC).
Ito’y nakasaad sa ilalim ng Inter Agency Task Force Resolution 152 kung saan ini-utos sa local government units (LGUs) na magpasimula ng active case finding at pagsusumite ng eligible samples para sa sequencing.
Samantala, nagpaalala naman si Dr. Alethea De Guzman ng DOH sa publiko na wala pang ebidensiya na nagpapatunay na mas malala ang Omicron variant sa ibang naitalang COVID-19 variant.
Tinatayang nasa 35 bansa na ang may kumpirmadong kaso ng naturang variant.