Nakikipagnegosasyon na ang National Task Force against o COVID-19 sa lahat ng pharmaceutical companies.
Ito’y para sa ikalawang bugso ng vaccine procurement deals sa Pfizer-Biontech, Moderna, Sinovac, Astrazeneca, Johnson & Johnson, at Gamaleya research institute.
Sinabi ni NTF chief at vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., posibleng tapusin nila sa katapusan ng Disyembre ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Samantala, target namang mabakunahan ng pamahalaan ang nasa 77 milyon sa unang kwarter at 90 milyon sa katapusan ng ikalawang kwarter.
Maliban dito, tiniyak ng NTF na mababakunahan ang mga nasa A1, A2, A3 at may comorbidities sa gitna ng pag-usbong ng COVID-19 omicron variant.