Pinagsusuot pa rin ng IATF ng faceshield ang publiko kung lalabas ng kanilang mga bahay.
Ito ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla ay dahil mayruon pa ring mga establishments ang nag-o-obligang magsuot ng faceshield kahit pa niluwagan na ang quarantine.
Sinabi ni Padilla na dapat maging conscious pa rin ang lahat dahil ang pagsusuot ng faceshield ay dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
Mas mabuti aniyang bitbit na lamang ang faceshield kahit saan magpunta at kung hindi naman ipapagamit ay sinupin lamang sa lalagyan.
Una nang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na maaari pa ring i-require ng establishments at workplaces ang kanilang customers at empleyado na magsuot ng faceshield.