Handa ang gobyerno sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang tiniyak ng mga miyembro ng National Task Force against COVID-19 sa pagbubukas ng Quezon Institute-Philippine Tuberculosis Society Inc. Modular Hospital and Dormitory sa Quezon City.
Ayon kay NTF Deputy Implementer Vince Dizon at Secretary Mark Villar, hindi isinasantabi ang posibilidad na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases dahil sa marami ngayon ang lumalabas ng kanilang bahay matapos ang ilang buwang quarantine at sa kagustuhan din na mabisita o makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pasko.
Kaya naman anila hindi pupwedeng magpakampante lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Nakalaan sa mga moderate at severe COVID-19 patients ang 44 na kama ng dalawang units ng binuksang modular ospital habang ang unit sa nasabing dormitoryo na may 64 na kama ay para naman sa mga health workers.