Target ng National Task Force against COVID-19 na makumpleto ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa bago ang 2022 national elections.
Sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na sisikapin nilang mabakunahan ang target population ng bansa pagsapit pa lamang ng Pebrero ng susunod na taon.
Ito’y upang matiyak na bakunado na ang mga botante, kahit magkaroon ng paglabag sa health protocols.
Aminado naman si Galvez na posibleng maging spreader event ang darating na halalan, kabilang na ang aktwal na botohan sa poll precinct’s.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico