Inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Doctor Ted Herbosa na nakikipag-ugnayan na sila sa mga pribadong drugstores at pharmacies na payagan silang makapagbakuna sa naturang lugar kontra COVID-19.
Aniya, magkakaroon ng trial na isu-suplay sa mga botika ang mga bakuna dahil na rin sa kakulangan ng mga vaccinators.
Ipinaliwanag rin niya na ang hakbang ay dahil maraming healthcare workers sa mga ospital ang tinamaan ng COVID-19.
Samantala, tiniyak ni Herbosa na may sapat na suplay ng bakuna ang bansa kung saan umabot ito sa kabuuang 210 million COVID-19 vaccine doses noong Disyembre 2021. —sa panulat ni Airiam Sancho