Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang southern backdoors ng bansa.
Ito’y kasunod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil umano sa mas nakakahawang Delta variant sa Indonesia.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa pagpapasok ng mga byahero mula sa mga bansang sakop ng ipinatupad ng travel ban at kasama na nga rito ang Indonesia.
“So may ban na po may restriction na po tayong ini-enforce at matagal na po nating binabantayan at mino-monitor ang mga kaso galing po sa ating kapit-bahay. At nung nagkaroon na nga po ng matinding pagtaas at pinalitan na nga po nila ang India bilang the epicenter ng COVID dito sa region natin, nakakabahala po ito kaya yang instruction po at order ng ating mahal na Pangulo ay nailabas na kaagad.”
Ani NTF Spokesperson Restituto Padilla sa panayam sa ” Kay Gandang Morning Pilipinas ” sa DWIZ.