Nilinaw ni National Task Force Special Adviser Ted Herbosa na pinag-uusapan pa ng IATF kung kailan ipatutupad ang pinaiksing quarantine at isolation period para sa mga fully vaccinated na indibidwal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Herbosa na ito ay na-implementa pa lamang sa mga healthcare worker.
Samantala, muling hinikayat ni Herbosa ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sanch