Ibinuhos ng National University ang buong lakas nito laban sa Ateneo de Manila dahilan upang maitulak sa game 3 ang finals ng V-league Collegiate Conference sa San Juan.
Sinungkit ng Lady Bulldogs ang straight sets victory, 25-22, 25-17, 25-17, kaya’t magkakaroon ng isa pang laro sa susunod na linggo.
Ito ang kauna-unahang panalo ng N.U. laban sa Ateneo sa kasalukuyang torneo habang ikalawang pagkatalo naman ng Lady Eagles.
Si Jaja Santiago ang nanguna sa Lady Bulldogs taglay ang kanyang 13 points.
Dahil sa matinding depensa ng N.U. ay hindi masyadong nakaporma si lady eagles superstar Alyssa Valdez dahil nalimitahan ang score nito sa 9 points.
By: Jelbert Perdez