Kinondena ng Estados Unidos at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang nuclear alert order ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay U.S. Ambassador to the United Nations, Linda Thomas-Greenfield, ang hakbang ni Putin ay hindi katanggap-tanggap at pinapalaki lamang nito ang kaguluhan.
Aniya, handa ang Russian president na gumamit ng anumang bagay upang takutin ang mga ukranian at ang mundo.
Tinawag ni NATO Secretary-General Jens Stoltenberg na isang iresponsableng hakbang ang ginawa ni Putin.
Sinabi naman ni White House Press Secretary Jen Psaki na tumutugon si Putin sa isang ”imaginary threat.”