Plano ng China na magtayo ng nuclear power plant sa ilang bahagi ng malawak na karagatang sakop nito.
Ayon kay China Atomic Energy Authority Chairman Xu Dazhe, layon nitong madoble ang atomic capacity ng China bago ang taong 2020.
Dadaan umano sa istrikto at siyentipikong demonstrasyon ang magiging marine floating power station.
Hindi tinukoy kung sa pinagtatalunang teritoryo ito itatayo ngunit sinabi ng opisyal na layon ng China na palakasin ang maritime power nito kaya’t gagamitin umano nito ang lahat ng resources ng karagatan na kanilang nasasakupan.
Naging sunod-sunod ang pagkilos ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea na lalo pang nagpapatindi sa territorial dispute sa pagitan nito at iba pang bansa sa Asya tulad ng Pilipinas, Vietnam at Japan.
By Rianne Briones
*Photo Credit: bbc.com