Nanindigan ang si US President Donald Trump na reresolbahin ng Amerika ang bantang nuclear ng North Korea mayroon man o kahit walang tulong mula sa China.
Sinabi ito ni Trump sa harap ng nakatakdang pagbisita sa Amerika ni Chinese President Xi Jinping.
Iginiit ni Trump malaking impluwensya ang China sa NoKor.
Dahil dito, dapat aniyang mag-desisyon na ang China kung tutulong ito o hindi sa Amerika.
Matatandaang nangangamba ang Amerika na kalaunan ay makalikha ang NoKor ng long range missile na may kakayahang umabot at atakihin ang kalupaan ng Estados Unidos.
By Ralph Obina