Kinundena ng NATO o North Atlantic Treaty Organization ang ‘nuclear weapon ban treaty’ na inilunsad ng United Nations (UN).
Ibinabala din ng NATO na inilagay ng nasabing kasunduan sa panganib ang ilang bansa sa paghahanap ng solusyon sa nuclear weapons program ng North Korea.
Ibinatay ng nasabing kasunduan sa naunang kasunduan noong Hulyo at wala sa siyam (9) na bansang may nuclear weapons program ang naging interesadong bumoto dito.
Sa halip, kaagad na humindi ang mga bansang Britain, France at Estados Unidos na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization.
Ayon pa sa NATO, isinasantabi din ng naturang kasunduan ang seguridad ng international community lalo na sa pagharap nito sa mas lumalalang banta ng Pyongyang.
Magugunitang sa mga unang linggo ng buwang ito ay inilunsad ng NoKor ang ika-6 na pinakamalakas na nuclear weapons test nito.