Hindi kailanman isusuko nang lubusan ng North Korea ang nuclear weapons nito.
Ayon ito kay Thae Yong-Ho na tumakas sa kaniyang tungkulin noong August 2016 bilang Deputy Ambassador ng NoKor sa Britain.
Sinabi ng top defector na mababawasan lamang ang nuclear threat ng NoKor subalit hindi totoo at tunay ang kumpletong disarmament sa gitna na rin ng diplomasya at negosasyon.
Sa bandang huli aniya ay mananatili ang NoKor bilang isang nuclear power packaged as a non-nuclear state.
Sina NoKor President Kim Jong Un at US President Donald Trump ay nakatakdang magpulong sa June 12 at pangunahing agenda rito ang nuclear at missile programs ng NoKor.
—-