Wala pa ring suplay ng kuryente ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora sa gitna pa rin ng pananalasa ng super typhoon Karding.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, ilan sa mga sa Tarlac, Zambales, Pampanga, at Quezon ay apektado rin ng kawalan ng kuryente.
Ngunit nilinaw naman ni Lotilla na kahit magbalik-operasyon ang mga transmission line ay dapat na maisaayos din ng mga electric cooperative ang kanilang pasilidad para masuplayan muli ng kuryente ang mga kabahayan at establisyimento.
Samantala, sinisikap naman ng DOE na maibalik ang mga bumagsak na linya ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.