Ipinag-utos na ng Korte Suprema sa Nueva Ecija Regional Trial Court (RTC) na ituloy ang pagdinig sa kaso laban sa 4 na dating Party-list Representatives na akusado sa pagdukot at pagpatay sa 3 taga-suporta ng Akbayan Party-list.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen ng 2nd Division ng Supreme Court (SC) kaugnay sa inihaing petisyon nina dating Gabriela Party-list Representative at ngayon ay National Anti-Poverty Commissioner Lead Convenor Liza Maza;
Dating Anakpawis Representative at ngayo’y Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casino.
Kapwa akusado ang apat sa pagdukot at pagpatay kina Danilo Felipe, Jimmy Peralta at Carlito Bayudang na mga supporter ng Akbayan Party-list na hindi tama na ibalik ng RTC sa piskalya ang kaso at sabihin na hindi tumalima sa panuntunan ng probable cause dahil ito ay pagsapaw sa kapangyarihan ng mga prosecutor.
Binigyan ng bigat ng SC ang argumento ng mga petitioner na walang batayan ang kautusan ng RTC dahil nakapagsumite na sila ng sapat na dokumento para desisyunan ang judicial determination of probable cause kaya’t dapat lamang umano na umusad sa RTC ang kaso.
Nauna ng kinuwestiyon ng mga dating mambabatas ang siyam na taon nang kautusan ni Judge Evelyn Turla ng Palayan City Regional Trial Court Branch 40 na nag-aatas na isalang sa reinvestigation ang kaso sa Office of the Provincial Prosecutor.
By Drew Nacino |With Report from Bert Mozo