Napabilang ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac sa mga lugar sa Luzon na may pinaka-mataas na weekly Covid-19 positivity rate hanggang nitong Disyembre a – tres.
Kinumpirma ni OCTA research fellow, Dr. Guido David na 23 lalawigan, kabilang ang National Capital Region sa mga nagtala ng mataas at sumisirit na weekly positivity rates.
Ayon kay David, umabot na sa 39.1% ang positivity rate ng Nueva Ecija noong sabado kumpara sa 32.9% noong November 26.
Bagaman bumaba sa 25.3% sa kaparehong panahon kumpara sa 36.5% ang positivity rate sa Tarlac, ikinukunsidera pa rin anya itong mataas.
Ang Covid-19 positivity rate ay bilang ng positive tests results.
Nangunguna ang Nueva Ecija sa Luzon na may kasalukuyang mataas na positivity rate habang pang-lima ang Tarlac.