Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Nueva Era, Ilocos Norte dakong alas-7 kagabi.
Natukoy ang epicenter ng pagyanig sa layong 13 kilometro sa Hilagang Silangan ng Nueva Era.
Naramdaman ang lakas ng pagyanig sa intensity 4 sa Nueva Era, Ilocos Norte, intensity 3 naman sa Danglas at Lagayan sa Abra at bayan ng Banna sa Ilocos Norte.
Nasa intensity 2 naman ang Dingras, Ilocos Norte habang intensity 1 naman sa Batac City.
Naging sanhi ng paggalaw ang aktibong fault line na malapit sa lugar.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla