Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Tumama ang lindol sa naturang lugar bandang alas singko ng hapon.
Habang may naitalang ilang pagyanig sa lugar na 3.8 pasado alas-6, 1.7 bandang alas sais ng gabi at 1.8 pasado 6:52 kagabi.
Ayon sa inisyal na pagtaya ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Ambaguio, wala pang naiuulat na pinsala sa mga imprastraktura sa lugar matapos ang nangyaring pagyanig.
Patuloy naman ang pagiikot ng MDRRMO at PNP sa buong bayan upang masigurado ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Bukod dito, nakaranas rin ng malakas na ulan ang naturang bayan.— sa panulat ni Rashid Locsin