Pinasisibak na ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (IAS-PNP) si Police Master Sergeant Jonel Nuezca.
Ayon kay IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, ‘dismissal from the service’ ang inirekomenda nila laban kay Nuezca bunsod ng pagpatay sa mag-inang Sonya at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
Gayunman, nilinaw ni Triambulo na rekomendasyon pa lamang ang isinumite nila kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. at ang heneral pa rin ang magdedesisyon kung sisibakin sa serbisyo o hindi ang naturang pulis.