Sinibak na sa pwesto si Police Master Sergeant Jonel Nuezca —na suspek sa pamamaril ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, epektibo na ngayong araw, Enero 11, ang ‘dismissal order’ laban kay Nuezca.
Dagdag pa ni Sinas, ang naturang dismissal order ay ipinatupad na ng regional director ng NCRPO.