Binatikos ng NUJP o National Union of Journalists of the Philippines ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN at patuloy na apghabol sa Philippine Daily Inquirer.
Ipinaalala ng NUJP sa Pangulo na hindi naging maganda ang kapalaran ng pinakahuling Pangulo ng bansa na nagbantang patatahimikin ang media.
Ang tinutukoy ng NUJP ang dating Pangulong Ferdinand Marcos na pinatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon sa NUJP malinaw sa nasabing banta ng Pangulo na gagamitin nito ang kaniyang kapangyarihan at maging ng estado para sagkaan ang kalayaan sa pamamahayag.
Sinabi pa ng NUJP na ang mga umanoy paglabag ng dalawang media organizations ay walang kinalaman sa pamamahayag
By Judith Larino
NUJP dinepensahan ang 2 media organizations was last modified: April 29th, 2017 by DWIZ 882