Pinasasampahan ng kaso ng NUJP o National Union of Journalists of the Philippines sa Senate media ng kaso si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Andanar na ilang Senate reporters ang binayaran ng isanlibong Dolyar para i cover ang press conference nang lumutang muli si retired SPO3 Arthur Lascañas na kumanta nang binabayaran sila ng Pangulong Duterte para sa kada mapapatay na target.
Ayon kay NUJP Chairman Ryan Rosauro hinihimok nila ang mga kapwa journalist na nasa press con na konsultahin ang abogado ng kanilang mga kumpanya at kasuhan si Andanar dahil sa paninira nito sa kanilang reputasyon.
Binigyang diin ni Rosauro na dapat itikom ni Andanar ang bibig nito kung walang ebidensya sa akusasyon o mas mabuting magbitiw dahil sa pag abuso sa kaniyang posisyon.
By: Judith Larino