Naglatag na ng mga aktibidad ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) para gunitain ang unang taon nang pagbasura ng kamara sa panukalang bagong prangkisa para sa ABS-CBN.
Pasisimulan ang mga aktibidad sa isang forum mamayang gabi kung saan ang tema ay: rejected man ang prangkisa, di pa rin magpapatinag at patuloy pa ring a Abante.
Kasama ring tatalakayin ang mga usaping legal, epekto ng kawalan ng prangkisa sa access to information at ano ang hinaharap ng media sa pilipinas.
Katuwang ng NUJP sa mga aktibidad ang free legal assistance group, mga mambabatas, mga kinatawan ng Defend Jobs Philippines, bukluran ng mga manggagawa, mga estudyante ng iba’t ibang pamantasan at maging kinatawan ng College Editors Guild of the Philippines.
Bukas itinakda naman ang isang caravan na pangungunahan ng NUJP-ABS-CBN chapter bilang pagbibigay parangal sa pagiging tulay ng dating media giant sa ma malalaking balitang dapat malaman ng publiko.