Naniniwala ang National Union of Journalist of the Philippines na may kinalaman ang mga pulis sa nagaganap na media killings sa bansa.
Ayon sa grupo, patunay dito ay ang panibagong kaso ng pagpaslang sa isang mamamahayag sa Dumaguete City.
Una nang tinukoy ng pulisya na dalawa sa tatlong suspek sa pamamaslang ay mga pulis.
Tulad din anila ito ng nangyari sa Maguindanao massacre case kung saan opisyal ng gobyerno ang nagplano habang ang mga miyembro at opisyal ng pulis at militar ang siyang gumawa ng karumaldumal na krimen kung saan nasawi ang 32 miymebro ng media.