Umalma ang NUJP o National Union of Journalists of the Philippines sa pagbatikos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang media companies.
Ayon sa NUJP hindi Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN ang bastos kundi ang Pangulo na umaabuso anila sa kapangyarihan niya bilang pinuno ng bansa.
Sinabi ng NUJP na hindi nila inaasahang hihingi ng paumanhin ang Pangulo subalit tuluy-tuloy na magta trabaho ang mga journalist para maipaabot sa publiko ang lahat ng mga nangyayari sa bansa sumang-ayon o hindi ang Pangulo sa kanilang ire-report.
By Judith Larino