Na-hack ang website ng NUJP o National Union of Journalists of the Philippines.
Ayon kay NUJP Chairman Ryan Rosario, down na ang kanilang site ng alas-8:00 kagabi at hindi na ma access kahit pa ng administrator ng nasabing website.
Sinabi ni Rosario na ito ang kauna-unahang na hack ang website ng NUJP.
Ayon kay Rosario, malinaw na kaaway ng press freedom ang nasa likod ng nasabing pag-atake subalit hindi aniya magtatagumpay ang mga nagtatangkang patahimikin ang mga nagbubunyag ng tunay na kaganapan sa bansa.
By Judith Larino