“What Duterte wants, Duterte gets”
Ito ang naging reaksyon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.
Ayon sa NUJP, malinaw na nangyari ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil anila sa personal na isyu nito sa network.
Dahil dito hinimok ng NUJP ang mga Pilipino na tutulan ang anomang uri ng pagpigil sa karapatan sa malayang pamamahayag.