Patay sa drug bust operation ang itinuturing na number one drug personality sa Malolos City sa Bulacan.
Ang suspek na si Antonio Yamson, 59-taong gulang ay nakuhanan ng isang kalibre .38 baril at 45 plastic sachet ng hinihinalang shabu at marijuana.
Ipinabatid ni Superintendent Henry Bruno, hepe ng Malolos City Police, nanlaban si Yamson sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad matapos matunugang pulis ang kaniyang ka-transaksyon.
Si Yamson aniya ay itinuturing na kingpin sa palengke ng Malolos City at protektor din ng iba pang drug personalites sa lugar.
Bukod sa illegal drugs, si Yamson ay nahaharap din sa kasong robbery hold-up, murder at homicide.
—-