Hinihintay na lamang ng Northern Police District (NPD) ang commitment order ng korte laban sa isang Benjamin Servano.
Si Servano ang itinuturing na numero unong most wanted sa nasabing distrito at ipinaaaresto ng korte dahil sa mga kaso ng pagpatay sa Camanava area.
Ayon kay NPD Director B/Gen. Nelson Bondoc, naaresto si Servano sa ikinasang manhunt operations sa bahagi ng Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Kasalukuyan nang nasa ospital si Servano para isailalim sa physical examination bago ilagay sa NPD custodial facility.