Posibleng palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila kahit nasa alert level 1 na ito.
Ayon kay MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija, kasunod ito ng nakitang traffic volume sa rehiyon.
Sa ngayon ay ipinatutupad ang number coding scheme mula alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.
Sa anunsyo ng COVID-19 policy body, isasailalim na sa alert level 1 ang national capital region at 38 pang mga lugar simula Marso a-uno hanggang a-kinse.