Posibleng hindi suspindehin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang number coding sa darating na ASEAN Summit sa Nobymebre 13 hanggang 15.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations, pinag-aaralan nila ang pag-iral ng number coding kahit pa idineklarang special non-working holiday ang naturang araw.
Samantala, nagpaalala naman ang MMDA sa mga motorista na iwasan muna ang ilang lugar sa Metro Manila kasunod ng gagawing ika-anim na dry run para sa ASEAN Summit.
Sinabi ni MMDA Task Force ASEAN Head Operations, gagawin ang dry run mula ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga sa Clark, Pampanga, SCTEX, NLEX, EDSA, Roxas Boulevard, Ayala, Makati Avenue, Pasay, Lawton at McKinley, Taguig.
—-