Balik na simula ngayong araw ang ipinatutupad na number coding scheme sa Metro Manila.
Ito ay matapos tanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong nakaraang linggo, dahil sa long weekend at holiday season.
Dahil sa kautusan, ipinaalala ng MMDA na bawal nang bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila batay sa huling digit ng kanilang plaka sa coding hours.
Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicle services, motorsiklo, marked government vehicle, marked vehicle ng media, ambulansya, at iba pa.
Epektibo ang kautusan ng alas-7 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 na hapon hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday.