Suspendido na simula ngayong araw na ito, Biyernes, ika-13 ng Marso, ang number coding sa Metro Manila.
Ipinabatid ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos isailalim ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa community quarantine dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
JUST IN: Per MMDA, Number Coding is now lifted starting this hour until further notice.#DOTrPH
— DOTrPH (@DOTrPH) March 13, 2020
Ang suspensyon ng number coding ay tatagal hangga’t walang inilalabas na bagong abiso ang MMDA hinggil dito.
Sa ilalim ng community quarantine, magpapatuloy pa rin ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan subalit kailangag i-check ang mga pasahero nito ng mga ipapakalat na tauhan ng Philippine National Police (PNP).