Apat (4) na araw suspendido ang number coding sa Metro Manila ngayong Pasko at Bagong Taon.
Simula ngayong araw, malaya nang makabibiyahe ang lahat ng sasakyan sa mga kalsada sa Metro Manila hanggang bukas, araw ng Pasko.
Masusundan pa ito sa Disyembre 31 hanggang sa Enero 1, mismong araw ng Bagong Taon.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga motorista na makabiyahe kahit ipinagbabawal sa takdang araw.
By Jaymark Dagala