Suspendido ang number coding sa mga provincial bus ngayong araw (December 22) at sa darating na Martes, December 26.
Ito ay upang matiyak na sapat ang mga pampasaherong bus na bibiyahe sa mga lalawigan sa nasabing petsa.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, tiyak na dagsa ang mga pasaherong uuwi sa kanilang mga probinsiya ngayong araw.
Habang sa Martes sa susunod na linggo, December 26 ay posibleng dumagsa ang mga pasaherong luluwas ng Metro Manila matapos ipagdiwang ang Pasko sa mga lalawigan.
Paglilinaw ng MMDA, iiral pa rin ang coding sa mga pribadong sasakyan at iba pang pampublikong sasakyan sa mga nabanggit na araw.
—-