Sinunspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang number coding bukas, (Setyembre 30, 2019, Lunes) pero para lamang sa mga PUV o pampublikong sasakyan.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang nationwide transport strike ng iba’t ibang grupo ng transportasyon.
Ayon sa MMDA, kanselado ang number coding scheme sa mga PUVs para matulungan ang mga mananakay na posibleng maapektuhan ng transport strike.
Samantala, nag-anunsyo ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Pasig na ipatutupad sa anim na ruta sa lungsod mula ala 5:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ala 1:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.