Ikinukunsider na ng MMDA ang pagbabalik ng number coding scheme, ngayong nasa Alert level 2 na ang Metro Manila.
Ito ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ay kasunod na rin nang pagdagsa muli ng mga motoristang dumadaan sa Edsa at iba pang mga pangunahing kalsada.
Ipinabatid ni Abalos na mahigit 400,000 sasakyan kada araw ang dumadaan sa Edsa at kulang na lamang ito ng 5,000 para maibalik na sa dati ang mga bumabyahe rito o bago pa ang pandemya.
Hindi aniya kaagad naibalik ang number coding dahil ang edsa ang dinadaanan ng ilang empleyadong pumapasok sa trabaho lalo na ng mga frontliners.