Balik na ang number coding scheme sa mga pribadong sasakyan simula ngayong araw, Enero 2.
Ito ang ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos itong suspendihin para sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, tanging ang mga provincial bus na lamang ang lifted ang coding.
Ito aniya ay para maserbisyuhan pa ang mga pasaherong mag-uuwian sa Metro Manila matapos ipagdiwang ang bagong taon.
Inaasahan kasi umano ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal na babalik sa Metro Manila mula sa bakasyon sa kani-kanilang probinsya.