Wala pang planong ibalik ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Benjamin Abalos Jr., na wala pa siyang nakikitang rason para ibalik ang number coding sa mga sasakyan.
Ngunit maaari aniya itong mabago oras na may makitang pagbabago sa daloy ng trapiko kung sakaling isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa Marso.
Sinabi pa ni Abalos na kailangang maghanda sa posibilidad na dagdagan ang mga public utility vehicles (PUV) na magbabalik kalsada.
Samantala, patuloy naman ang MMDA sa pagkuha ng dagdag na mga traffic enforcers na magbabantay sa kalsada at bilang suporta sa ‘mass transit program’ ng DOTr.