Hiniling ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang muling pagpapatupad ng number coding at truck ban sa lungsod dahil sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Holiday season.
Ayon kay Gatchalian, ngayong suspendido ang coding scheme punong-puno ang volume ng sasakyan sa mga kalsada.
Ramdam na ramdam naman aniya sa Valenzuela na itinuturing na industrial city ang pagdagdag ng maraming malalaking truck sa rush hour ngayong wala ring truck ban.
Ilang buwan nang suspindido ang number coding scheme at truck ban upang matiyak na hindi maaantala ang galaw ng essential workers at mga pangunahing pangangailangan.