Suspendido na ang expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila ngayong araw.
Ito ang inanunsyo ng MMDA alinsunod sa direktiba ni acting chairman Carlo Dimayuga III dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Karding.
Unang nag-landfall ang bagyo sa Burdeos, Quezon dakong ala 5:30 kahapon na sinundan ng ikalawang landfall sa bahagi ng Dingalan, Aurora pasado alas-8 kagabi.